Halos 1,000 pulis, idineploy para sa inurnment ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Halos 1,000 pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) para sa libing ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III o PNoy.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, ang mga nasabing pulis ay idineploy sa Ateneo de Manila University, Times Street, Manila Memorial Park at maging sa mga dadaanan ng mga labi ni dating Pangulong Aquino.

Ang mga ito aniya ay magbibigay ng seguridad at magpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kasagsagang ng inurnment ng dating pangulo.


Bukod sa PNP, nasa 100 tauhan din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang idineploy para umalalay sa maayos na paglilipat ng mga labi ng dating pangulo sa kanyang huling hantungan.

Facebook Comments