Nakapagtala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 98,615 Overseas Filipino Workers (OFWs) na stranded sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa DOLE, ang mga stranded OFW ay apektado ng lockdown, distressed, at humihiling na ma-repatriate, o napaso na ang work contract pero hindi makauwi sa Pilipinas dahil sa kawalan ng commercial flights.
Karamihan sa mga stranded OFW ay nasa Middle East na nasa 83,483, 12,050 sa Europe at Americas, at 3,082 sa Asia.
Ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay nakapagtala ng repatriation ng nasa 36,625 OFWs mula nang nagsimula ang outbreak.
Bago ito, ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagsabi na aabot sa 40,000 OFWs ang inaasahang uuwi sa bansa ngayong buwan.
Facebook Comments