Umabot na sa 92,373 mga Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na naserbisyuhan ni Vice President Leni Robredo.
Mula nang manungkulang pangalawang pangulo noong 2016 hanggang Setyembre ngayong taon, mas dumami pa ang mga taong natulungan ni VP Leni sa pamamagitan ng medical assistance program ng kaniyang tanggapan.
Ito ay sa tulong na rin ng mahigit 100 partner service providers ng Office of the Vice President (OVP) kung saan ilang malalaking ospital at institusyon mula Luzon, Visayas at Mindanao ang katuwang nito sa pagpapaabot ng medical asssistance.
Kamakailan, pinalawig pa ni VP Leni ang pakikipagtulungan pan sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City para mas marami pang pasyente ang mabigyan ng medical assistance.