Manila, Philippines – Aabot sa 14,484 ang kinakailangang pulis ng Philippine National Police.
Ito ang inihayag ni Supt. Juvenal Barbosa, Assistant Chief ng Recruitment and Selection Division ng PNP Directorate for Personnel and Records Management matapos aprubahan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang naturang quota.
Sa nasabing bilang 10,000 rito ay laan para sa regular recruitment program ng pnp sa ilalim na rin ng General Appropriation Act.
Habang ang 4,484 ay para sa taunang pampuno sa mga pulis na namatay, nasibak o nagretiro.
Sinabi ni Barbosa na sasalang sa mga pagsasanay at background check ang mga aplikante pero, bawal ang mayroong tattoo sa katawan.
Tatanggap naman ng P17,000 ang mga PO1 na pulis bukod pa sa mga allowance.