
Nakatanggap ang halos 17,000 evacuees ng libreng gamot at konsultasyon mula sa Department of Health (DOH) sa mga evacuation centers sa Cagayan Valley.
Tiniyak ang nasabing serbisyo base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Samantala, aabot sa 286 evacuation centers sa Cagayan Region ang nahatiran ng tulong ng nasabing ahensya.
Ilan sa mga isinagawang serbisyo rin ng DOH sa mga evacuation center ay ang tuluy-tuloy na pagsuri sa nutrisyon ng mga bata, pagsasagawa ng blood pressure monitoring, at first aid sa mga taong naapektuhan ng bagyo.
Matatandaan na ang rehiyon ng Cagayan ay isa mga lugar na naapektuhan dulot ng Bagyong Nando.
Facebook Comments









