Isang lalaki nag-ala ‘Spiderman’ sa gusali sa Spain

Manila, Philippines – Inakyat ng isang Pranses ang isa sa mga pinaka matataas na gusali sa Barcelona na walang anumang safety gears o harness.

Batikan na climber si Alain Robert, 55-anyos na gulang at kilala sa tawag na daredevil dahil sa kakaiba nitong pagakyat sa mga matataas na gusali.

Inakyat ni Robert ang Melia Barcelona Hotel, pang-apat sa pinakamatataas na gusali sa lungsod, na may taas na 83 meters o 272 feet na ang gamit lamang ay chalk sa kamay at kaniyang climbing shoes.


Nauna nang naakyat ng batikan ang San Francisco’s Golden Gate Bridge, Dubai’s Burj Khalifa Complex, Eiffel Tower sa Paris at ang Sydney Opera House ng walang anumang safety gears o harness.
DZXL558

Facebook Comments