Nagpulong ang mga parent-leaders ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Pasay kaugnay ng pamamahagi ng cash aid na ipinatupad ng national government para tulungan ang mga pinakaapektado ng community quarantine dahil sa COVID 19 pandemic.
Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pulong sa Cuneta Astrodome sa Pasay.
Umabot sa 188 parent-leaders ang lumahok sa aktibidad.
Sa pagpupulong, hiniling ni Mayor Emi ang kooperasyon ng lahat para siguruhin ang maayos na distribusyon ng ayuda na hindi nalalabag ang health protocols.
Samantala sa ibang balita, inanunsyo ng Pasay City-Public Information Office na mawawalan ng supply ng kuryente bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Ito ay dahil sa ginagawang upgrading ng pasilidad sa may 14th Street, Villamor Airbase, Pasay City.