Halos 200 million COVID-19 vaccine, natanggap na ng Pilipinas

Umakyat na sa 198,822,705 doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccine ang naihatid na sa Pilipinas.

Ito ay matapos mai-deliver sa bansa ang karagdagang 1,405,170 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine na binili ng national government.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, hindi na nila inaasahang makakamit ang 54 million fully vaccinated individuals sa pagtatapos ng 2021 dahil kapos na sa panahon.


Gayunman, pinagdodoble-kayod na ng national government ang mga rehiyon para kahit paano ay bumilis ang vaccine rollout matapos manalasa ang Bagyong Odette.

Facebook Comments