Halos 200 repatriates mula Saudi Arabia, dadating bukas sa Pilipinas

Manila, Philippines – Dalawa pang batch ng Filipino repatriates mula Saudi Arabia ang dadating sa bansa bukas.

Ang unang batch na binubuo ng 166 OFWs mula Jeddah ay dadating ng alas siete ng umaga bukas sakay ng Philippine Airlines.

Alas dies naman ng umaga bukas, dadating ang PAL Flight PR 683 sakay ang dalawamput apat na repatriates.


Ang naturang OFWs ay kabilang pa rin sa mga nabigyan ng exit visa sa ilalim ng amnesty program ng Saudi government.
DZXL558

Facebook Comments