Halos 2,000 pasahero, stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa Bagyong Rolly

Umabot na sa 1,960 mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Rolly.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabilang sa mga na-stranded ay mga pasahero, truck drivers at cargo helpers mula Bicol Region, Southern Tagalog, National Capital Region at Eastern Visayas.

Bukod dito, stranded din ang nasa 83 vessels, 119 motorbancas at 846 rolling cargoes.


Tiniyak naman ng PCG na 24/7 ang pagbabantay ng kanilang Command Center para masigurong walang maglalayag na anumang sasakyang pandagat sa kasagsagan ng masamang panahon.

Facebook Comments