Kabuuang 168,355 mga bata edad 5-11 ang napa-rehistro na ng kanilang magulang para sa expanded pediatric vaccination.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ito ang datos na isinumite sa kanila ng iba’t ibang Local Government Unit (LGUs) dito sa Metro Mla.
Nabatid na sa Pebrero 4 aarangkada ang pagbabakuna para sa nasabing age group.
Kabilang sa pagdarausan nito ay ang National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Manila Zoo at iba pa.
Samantala, nilinaw ni Cabotaje na magtutuloy-tuloy lang din ang pagbabakuna sa mga batang edad 12-17.
Prayoridad mabakunahan ang mga batang may comobidities.
Facebook Comments