Halos 3 Libo na Iskolar ng City of Ilagan, Nabigyan na ng Cash at Rice Allowance

Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ng 2,703 na iskolar ng Lungsod ng Ilagan ang kanilang cash at rice allowance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III, Vice Governor Bojie Dy III, City Mayor Jay Diaz kasama ang mga lokal na opisyal ang pamamahagi ng tulong sa mga iskolar ng Ilagan.

Sakop ng kanilang natanggap na allowance ang 1st at 2nd Semester ng school year 2019-2020.


Nagpapasalamat naman ang alkalde ng Lungsod dahil sa walang sawang suporta ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan para matulungan sa pinansyal at pag-aaral ng mga Ilagueñong estudyante.

Sa mensahe naman ng ama ng Lalawigan, kanyang sinabi na bago pa man naging Gobernador ng Isabela ay dati na itong namimigay ng scholarship sa lahat ng campus ng Isabela State University dahil sa kagustuhang makapag-aral at makapagtapos ang maraming Isabelino.

Hinihikayat din nito ang mga scholar na huwag sayangin ang ibinigay na oportunidad bagkus ay pahalagahan at mag-aral ng mabuti para makapagtapos ng pag-aaral.

Facebook Comments