Halos 3 milyong bakuna, ilalaan sa pagbabakuna sa mga kabataan – IATF

Ilalaan ng pamahalaan ang nasa halos 3 milyong bakuna para sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Kasunod ito ng inaasahang pagsisimula ng vaccination rollout sa mga kabataan nasa edad 12 hanggang 17 na gagawin sa ilang ospital sa Metro Manila.

Pero dahil limitado pa rin ang suplay ng bakuna, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa ngayon ay higit kumulang 45,000 to 50,000 (doses) muna sa pilot vaccination.


Nabatid na ang nasabing pagbabakuna ay isasagawa sa limang ospital sa Metro Manila kabilang ang Philippine General Hospital, Philippine Heart Center at ilang children’s hospital.

Facebook Comments