Base sa pinakahuling ulat ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa kanilang Facebook page, mayroon ng halos tatlumpung libong estudyante ang nabenipisyuhan ng programang educational assistance sa rehiyon uno.
Kabuuang 29,901 na benepisyaryo o mga students-in-crisis sa rehiyon ang nabigyan nang naturang aid para sa kanilang pag-aaral kung saan nito lamang Sabado, September 17, nakapagsilbi ang lalawigan ng Pangasinan ng 3,304 na mga benepisyaryo, 1, 336 sa Ilocos Sur, 1,286 naman sa Ilocos Norte at 38 sa lalawigan ng La Union at umabot sa P11, 387, 000 ang pondong naibigay.
Samantala, mayroon na lamang natitirang pondo na PhP33,444,000.00 o 33.24% para sa educational assistance ang nakalaan para sa mga benepisyaryo.
Paalala naman ng ahensiya, tumutok lamang umano sa kanilang opisyal na FB ng DSWD Field Office 1 para sa mga anunsyo ukol pa rin sa naturang aid.
Facebook Comments