FDA, naglabas ng warning sa mga hindi rehistradong cosmetic products

Naglabas ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration o FDA sa pagbebenta ng ilang uri ng cosmetic na hindi rehistrado sa ahensya.

Partikular na ang mga cosmetic product na Super Snail Sugar Scrub, at Goddess Touch Goddified Lip and Cheek Tint (Sweet Revenge).

Batay sa pinalabas na FDA advisory, lumitaw sa ginawang beripikasyon ng ahensya sa pamamagitan ng post-marketing surveillance na walang valid Certificate of Product Notification, o CPN ang mga nasabing produkto.


Ayon sa FDA, dahil sa hindi pa otorisado ang mga nasabing cosmetic product, hindi magagarantiya ang kaligtasan at kalidad nito.

Ang paggamit din ng hindi rehistradong produkto ay maaaring magresulta sa pangangati o iritasyon sa balat at maaaring mauwi sa anaphylactic shock at organ failure.

Ayon pa sa FDA, ang pagbebenta at pag-po-promote ng hindi rehistradong produkto ay labag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Facebook Comments