Halos 300 PNP personnel, nabakunahan ng Sinovac vaccine

Umabot na sa 299 ang mga tauhan ng Philippine National Police na nabakunahan ng anti-COVID -19 vaccine ng Sinovac simula noong Lunes.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at ASCOTF Commander Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang mga police personnel na ito ay mga tauhan ng PNP General Hospital.

Aniya kahapon, Lunes, 125 na tauhan ng PNP General Hospital ang nabakunahan habang kanina, Martes, mayroon pang 174 ang naturukan ng bakuna.


Noong Lunes, ayon kay Eleazar, may dalawang PNP personnel ang nakaranas ng minor side effects pagkatapos ng vaccination.

Habang kanina ay wala aniyang naitalang nakaranas ng adverse effects sa 174 na nabakunahan.

Una nang sinabi ng PNP na bago matapos ang linggong ito ay matatapos na ang pagbabakuna sa mga medical frontliners ng PNP.

Facebook Comments