Halos 40 bansa, tumigil muna sa pagbabakuna dahil sa kawalan ng suplay

Ipinatigil na ng maraming bansa sa buong mundo ang programa sa pagbabakuna dahil sa kakulangan ng mga doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Bruce Aylward, WHO’s frontman for the international Covax scheme, maraming indibidwal na tumanggap ng first dose ng bakuna ang kailangan pang maghintay ng mahabang panahon para maging fully vaccinated.

Kasama sa mga ito ang aabot sa 30 hanggang 40 bansa na kinabibilangan ng Indian subcontinent, sub-Saharan Africa, Latin America at Middle East.


Isa sa mga tinitignang problema ng kakulangan ng bakuna ay ang pagkaantala ng paggawa ng AstraZeneca vaccines ng Serum Institute of India (SII) na dapat ay sumusuporta sa COVAX facility, ngunit dahil sa ipinatupad na restriksyon ng India ay nagkaproblema ito.

Tiniyak naman ni Aylward na nakikipag-ugnayan na sila SII at maging sa gobyerno ng India upang maipagpatuloy na ang pagpapadala ng mga bakuna sa maraming bansa sa mundo.

Facebook Comments