Halos 400 Filipino firefighters, magsasanay sa Taiwan

Courtesy: Pxhere

Nasa 387 na mga Filipino firefighter ang bibisita sa Taiwan sa loob ng tatlong taon upang sumalang sa pagsasanay na bahagi ng Philippine-Taiwan training agreement.

Ayon kay Ambassador Michael Peiyung Hsu ng Taipei Economic and Cultural Office, para sa unang batch, 37 bumbero ang lilipad patungong Taiwan sa katapusan ng Nobyembre para sa isang linggong pagsasanay sa National Fire Agency Training Center sa Nantou county.

Inaasahan namang susunod ang iba pang bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP).


Ang National Fire Agency Training Center sa Nantou ay ang itinuturing na pinakamalaking training center sa Asya at pangatlo sa buong mundo.

Dito rin nagsasanay ang Filipino-Chinese volunteer fire brigades mula nang buksan ito noong 2010.

Facebook Comments