Pinangunahan ito ni PCapt. Julio Maribbay, hepe ng Cauayan Airport Police Station katuwang ang mga opisyal ng nasabing barangay at Sangguniang Bayan Member Banjo Paolo Addun.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Maribbay, nasa halos tatlong daan na mga bata ang natulungan sa kanilang feeding program bilang bahagi sa selebrasyon ng Nutrition month at sila ay nabigyan din ng mga gamit pang-eskwela.
Bukod sa feeding program at gift giving sa mga batang mag-aaral kahapon ay nagsagawa rin ang CAPS ng lecture on Drug awareness upang sa ganon ay maimpormahan at mapaalalahanan ang mga mamamayan sa lugar lalo na sa mga kabataan na may masamang epekto ang droga sa kalusugan at nakakasira rin ito ng kinabukasan.
Ayon pa kay Captain Maribbay, sa pamamagitan aniya ng kanilang Outreach program ay naipapakita’t maipaparamdam sa mga less fortunate families na ang kapulisan ay tumutulong din at may pakialam sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Labis naman aniya ang pasasalamat ng mga natulungang residente sa nasabing barangay dahil sa kabila ng nararanasang pandemya ay nabigyan pa rin sila ng pansin at naabutan pa ng tulong.
Samantala, para naman sa mga gustong makipagtulungan o tie-up sa Cauayan Airport Police Station sa pagsasagawa ng Outreach program at lecture o anumang tulong sa mga barangay ay magtungo lamang sa kanilang tanggapan para mapag-usapan at maisakatuparan ang planong pagbibigay serbisyo sa publiko.
Nilinaw nito na ang kanilang prayoridad sa Outreach Program ay ang mga barangay na maraming nangangailangang pamilya o mga pamilyang kabilang sa poorest of the poor.
Sinabi pa ni Captain Maribbay na ang mga pulis ng Cauayan Airport ay lumalabas din at regular na naghahatid ng tulong katuwang ang iba’t-ibang ahensya at pribadong sektor ganun din ang pagsasagawa ng information dissemination drive sa publiko.