DFA REGULAR MOBILE PASSPORTING ISINULONG NG SP AKLAN

26
Kalibo, Aklan – Inaprubahan kahapon ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon para hilingin sa Department of Foreign Affairs DFA na magsagawa ng regular deployment ng kanilang Mobile Passporting Unit sa lalawigan ng Aklan.
Ang pakay nito ayon kay SP member Mark Vega Quimpo ay para hindi na mahirapan pa ang mga bagong passport applicant na kumuha ng pasaporte ganoon din ang mga Aklanon na nagsasagawa ng passport renewals.
Sa ngayon umano nahihirapan ang mga taga Aklan sa pagkuha ng pasaporte dahil kahit na pwede aniya na gawin ang online application nito kinakailangan pa rin nilang pumunta ng DFA Regional Office 6 para sa iba pang kakailanganing transaksyon bago mo makuha ang mismong passport.
Facebook Comments