Halos 5.6 milyon na mahihirap na pamilya sa bansa, tinukoy ng DSWD sa ilalim ng “LISTAHANAN 3” o National Household Targeting System for Poverty Reduction

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinal na listahan ng “LISTAHANAN 3” o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Ayon sa DSWD, umabot sa 5.6 milyon na mahihirap na pamilya ang natukoy ng DSWD sa nasabing programa.

Isinagawa ang data collection ng Nationwide Household Assessment sa pamamagitan ng house-to-house interviews noong October 2019.


Noong March 2020 ay nakatakda sana mailabas ang ‘LISTAHANAN 3”, pero dahil sa pandemya dulot ng COVID-19 ay pansamantalang nasuspinde ito.

Pero, noong huling kwarter ng 2021 ay nakumpleto na ito.

Dagdag pa ng DSWD, para sa mga kwalipikadong benepisyaryo para sa iba’t ibang social protection services at poverty reduction programs sa buong bansa ay magsisilbi nilang batayan ang listahan ng ahensya, ibang national government agencies, local government units (LGUs) at stakeholders.

Facebook Comments