LALAKING NAGPAPASTOL NG ALAGANG BAKA, BINARIL-PATAY

33
Patay ang isang lalaki matapos barilin sa Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela noong Hulyo, 31, 2022.

Ayon sa PNP Benito Soliven, nagpapastol ng alagang baka sa maisan ang biktima ng bigla itong barilin ng suspek bandang 7:45 ng umaga.

Tinamaan ang lalaki sa kanyang kaliwang panga na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Kinilala ang suspek na si Alfonso Carlos Iplasido, 61-taong gulang, at residente ng Brgy. Yeban Sur habang biktima naman ay kinilalang si James Pagdilao, 39-taong gulang, isang magsasaka at residente ng kaparehas na lugar.

Batay sa resulta ng imbestigasyon ng awtoridad, malapitang pinaputukan ang biktima base sa posisyon ng basyo ng bala ng isang 12 gauge shotgun sa crime scene.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima.



Patuloy parin ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Facebook Comments