Halos 5 million na mag-aaral, apektado ng pananalasa ng Bagyong Agaton

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na maraming paaralan sa lalawigan ang sinira ng Bagyong Agaton.

Kabilang dito ang mga paaralan sa Region 5,6,7,8.

Region 8 ang lubos na tinamaan ng nasabing bagyo.


Pito ang namatay na mag-aaral sa Region 8 at meron ding mga sugatan na manggagawa dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon sa DepEd, 4.8 milyong mag-aaral ang apektado kasunod ng Bagyong Agaton.

Suspendido ang klase sa halos 12,000 paaralan sa mga nabanggit na lalawigan.

Ito ay dahil hindi pa magamit ang mga classroom matapos masira ang ilang paaralan dahil sa baha at pagguho ng lupa.

Sinabi ng DepEd, kinakailangan ng ₱567 milyong para mapaayos ang mga paaralan na nasira ng Bagyong Agaton.

Sa ngagyon, nagtayo ng pansamantalang classroom ang ilang eskwelahan para mapagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata habang nagpapatuloy rin ang online classes.

Facebook Comments