Halos 50 kaso ng fireworks-related injuries, naitala ng DOH sa pagsalubong sa 2021

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 50 kaso ng fireworks-related injuries at stray bullet nitong holiday season.

Mula December 21, 2020 hanggang ngayong araw, 49 ang nabiktima ng paputok habang isa ang tinamaan ng ligaw na bala.

Pero ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay 85% na mas mababa kumpara sa bilang ng mga nasugatan noong 2020.


Aniya, isa ang COVID-19 pandemic sa posibleng dahilan ng pagbaba ng fireworks-related injuries.

Dagdag pa ng kalihim, inaasahang tataas pa ang nasabing bilang sa mga susunod na araw.

Samantala, patuloy na tatanggap ng datos ang DOH hanggang January 6.

Facebook Comments