Halos 500 pasahero, stranded dahil sa bagyong Ramon

41

Umabot sa 496 na pasahero ang stranded sa mga pantalan ng Catanduanes, Albay at Sorsogon dahil sa Bagyong Ramon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, pansamantalang suspendido ang biyahe ng 126 Rolling Cargoes, 23 barko at dalawang motorbanca.


Nananatili rin sa mga pantalan ang siyam na iba pang barko at limang motorbanca.

Mahigpit na ipinapatupad ng lahat ng PCG Units ang alituntunin sa biyahe ng mga barko kapag masama ang panahon para sa seguridad ng mga pasahero.

Facebook Comments

From Advertisers