Halos 7,000 bagong COVID recoveries, naitala ngayong araw ng DOH

25

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,986 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

4,700 naman ang bagong kaso habang 136 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,159,071 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso ay 49,951 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 1,089,613.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 19,507.

Facebook Comments