MANILA – Simpleng buhay lang ang hangad ng 79.2 percent na mga Filipino pagdating ng 2040.Ito ay batay sa survey na isinagawa ng National Economic And Development Authority (NEDA).Nasa 16.9 percent naman ng mga Filipino ang may gustong maging may kaya sa buhay o upper middle class habang 3.9 percent naman ang gustong maging mayaman o upper class.Ibinase ang survey sa pagkakaroon ng sariling maliit na bahay at lupa, isang sasakyan, perang pangtustus sa pag-aaral at pagkakasakit at paminsang-minsang bakasyon.Ayon sa NEDA – kaya ito makamit pagdating ng 2040 kung itutuloy ng apat na susunod na adminstrasyon ang mga proyektong pangkaunlaranIsinagawa ang survey sa sampung libong respondent na may edad na 15 hanggang 50 sa buong bansa.May margin of error rin ang nasabing survey na point 98 percent.
Halos 80 Percent Na Mga Pinoy – Naghahangad Ng Simpleng Buhay Sa 2040
Facebook Comments