Halos 800 vote counting machines, napag-alamang depektibo sa huling testing at sealing ayon sa COMELEC

Tinatayang nasa 800 vote counting machines (VCM) ang depektibo sa final testing at sealing ng mga ito.

Ito ay matapos makapagtala ng 790 na depektibong VCM na siyang katumbas ng hindi aabot sa 1% na bilang ng mga VCM.

Sa huling update ay 233 sa mga ito ay napalitan na.


Nakapagtala rin ng 143 na depektibong SD cards ngunit 107 dito ay napalitan.

Mababatid na nagsimula ang final testing at sealing sa mga ito noong May 2.

Siniguro naman ni acting Commission on Election (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco na pupunitin ang mga hindi magagamit na balota sa May 9 bilang bahagi ng kanilang general instructions sa electoral boards.

Facebook Comments