Halos 94% ng mga nasawi sa COVID-19, mga hindi pa nabakunahan – DOH

Mayorya ng mga nasasawi sa COVID-19 sa bansa ay mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 216,074 kabuuang kaso ng COVID-19 na na-admit sa mga ospital mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14, 86 percent sa mga ito ay hindi pa nakakumpleto ng bakuna laban sa COVID-19.

Habang nasa 93.49 percent sa mga nasawi sa COVID-19 ang hindi pa nakatanggap ng kahit isang bakuna.


Paliwanag pa ni Vergeire, 2.6 na beses na mas malaki ang tsansang masawi ang mga COVID patient na hindi bakunado.

Habang 1.75 na beses na mas malaki ang tsansang maging severe o kritikal ang kaso ng mga hindi pa nabakunahan kumpara sa mga fully vaccinated na.

Facebook Comments