HALOS DALAWAMPUNG KATAO, SUGATAN SA BANGGAAN NG TRUCK AT VAN SA BUGALLON

Umabot sa labingpitong katao ang sugatan matapos ang naganap na banggaan na kinasangkutan ng isang passenger van at truck sa Brgy. Umanday, Bugallon, Pangasinan.

Sakay ng van ang labing-apat na pasahero, kasama ang driver, at lulan naman ng truck ang driver at isang pahinante nito.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Bugallon Police Station Chief Investigator PSMS Rodolfo Naungayan, hindi inaalis ang posibilidad na maaari umanong agawan ng linya ang sanhi ng aksidente.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang mga sakay ng mga sasakyan dahil na rin sa tinamong sugat at bali lalo na ang ilan na higit napuruhan sa insidente.

Samantala, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan ukol dito upang malaman na rin ang posibleng wastong disposisyon sa mga nasangkot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments