LALAKI, NALUNOD SA FISH POND SA CALASIAO

Nalunod habang nangingisda sa Isang fishpond ang isang 44 anyos na lalaki na residente ng Sta. Barbara, sa Brgy. Mancup, Calasiao.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ilang minuto matapos itong tumalon sa fish pond upang mangisda ay sumigaw ito at humingi ng tulong hanggang sa malunod.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Police Station PCpt. Anthony Doctolero, maaari umano itong nakuryente ng ginamit niyang pangisda o sariling improvised fishing electronic tool na naging dahilan ng kanyang pagkalunod nang napunta sa malalim na bahagi ng fishpond.

Naiahon pa ang biktima ng tatlong menor de edad na sila ring nakasaksi ng insidente. Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival ng doktor. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments