Halos dalawang daang libong pisong pekeng pera, nakumpiska ng NBI Region 10

Halos dalawang daang libong pisong pekeng pera ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation o NBI Region 10.
Ito’y nakuha sa isinagawang entrapment operation noong Huwebes sa Barangay Lapasan dito sa syudad ng Cagayan de Oro.
Nadakip rin ng NBI ang 36 anyos na suspek na si Charlie Quintana na taga Ilaya, Barangay Carmen.
Napag-alaman na si Quintana ay miyembro ng Batang City Jail matapos makulong dahil sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms.
Ayon kay NBI Officer in-charge Atty. Hans Barbaso na ibenebenta ng suspek ang mga pekeng pera sa mas mababang presyo.
Dahil dito, pinaalalahanan ng mga otoridad ang mamamayan na magbantay para hindi mabiktima ng pekeng pera.
By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments