Umakyat na sa 90,932 na mga pasahero ang naitala sa iba’t-ibang pantalan sa buong bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Capt. Armand Balilo, hindi pa ito ang peak ng mga byahero dahil marami pa ang may pasok sa lunes hanggang miyerkules bago ang kanilang lenten break.
Pinakamarami ang naitala sa Western Visayas na mayroong 16,479; sinundan ng southern tagalog na may 14,829; at Central Visayas na aabot sa 10,998 na mga pasahero.
Payo ni Balilo sa mga biyahero, magpunta sa pier ng mas maaga para sa mabusising inspeksyon.
Samantala, aabot naman sa mahigit pitumpung libong pasahero ang naitala ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng mga pasahero pagsapit ng Miyerkules at Huwebes Santo.
Pagtitiyak ni Monreal, nakahanda ang mga otoridad sa paliparan na tiyakin ang seguridad ng publiko.