Yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kaniyang pamilya, ipapaliwanag sa tamang panahon

264

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaliwanag niya sa tamang oras ang kayaman ng kanyang pamilya.

Kaugnay ito sa inilabas na report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan sinasabing na lumaki ang kayamanan ni Pangulong Duterte at kanyang pamilya.


Ayon sa Pangulo, hindi dapat paniwalaan ang ibinabato sa kanya ng oposisyon lalo pa’t panahon ng kampanya.

Kaya’t nangako ang Pangulo at sinabi na handa siyang magpaliwanag sa tamang panahon.

Nakasaad din sa ulat ng PCIJ na lumobo rin ang pag-aari ng mga anak ni Pangulong Duterte na sina Davao City Mayor Sara Duterte, Carpio at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers