Halos isang bilyong pisong buwis, hinahabol ng BIR sa labing-anim na mga kumpanya at negosyante

 

Kabuuang 932 million pesos ang hinahabol ng BIR sa 16 na korporasyon at negosyante na bigong magbayad ng tamang buwis mula 2008 hanggang 2016.

 

Ang mga naturang delinquent tax payers ay ipinagharap ng BIR sa DOJ ng reklamong tax evasion matapos tumangging bayaran ang utang sa kabila ng mga abiso ng kawanihan.

 

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang 14 na korporasyon na:


A.G. Herrera Construction Corpotation; Famos Combined Services;

Spinmaster Textile Manufacturing Corporation;

Cholle Mig Incorporated;

G.V Cosmetics Incorporated;

Goldsun Enterprises Corporation; Justbest Sales Corporation;

WM Manufacturing;

Zeemsheen Inc.;

Cornell Specialty Steel, Inc.;

Krystal Gem Multisales Corporation; Topgun Industrial and General Merchandise ; at Kain Sun International Corporation.

 

Inireklamo rin ng BIR ang mga negosyante na sina Eugenio Dela Merced at Leonides Libunao Ligon.

 

Ang pinakamalaking tax liability ay sa justbest sa Caloocan City na mahigit 382 million pesos at sumunod ang sa negosyanteng si Ligon ng JADD Green Marketing na mahigit 192 million pesos.

Facebook Comments