Sin tax bill lusot na sa Bicameral Conference Committee

 

Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang panukala para sa dagdag na excise tax sa mga nakalalasing na inumin, heated tobacco products at vapor cigarettes o e-cigarettes.

 

Ayon kina Senator Pia Cayetano at Albay Rep. Joey Salceda, kapag tuluyang naging batas ay makakalikom ang gobyerno ng P24.9 Billion na revenue mula dito.

 

Gagamitin ang kita na ito sa pagpopondo ng Universal Health Care Law.


 

Sa susunod na taon din ipapatupad ang dagdag na buwis.

 

Inaasahan na ngayong hapon sa sesyon ng Senado at Kamara ay raratipikahan na ito para agad na maisumite kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments