HALOS KALAHATING BILYONG PISO, NAITALANG PINSALA NG SUPER TYPHOON UWAN SA PANGASINAN

Pumalo sa mahigit PHP411 milyon ang inisyal na pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan (Fung-wong) sa Pangasinan, batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Pinakamalaking epekto ay sa sektor ng agrikultura na umabot sa higit PHP 234 milyon, kabilang ang pinsala sa palay, mais, high-value crops, at pangisdaan. Tinatayang PHP176.5 milyon naman ang halaga ng pinsala sa imprastruktura, kabilang ang sirang kalsada at tulay.

Naitala rin ang 4,220 totally destroyed houses at 12,233 partially damaged. Aabot sa 200,914 pamilya o mahigit 670,000 katao mula sa 830 barangay sa buong lalawigan ang naapektuhan.

Patuloy pa ang power restoration sa 13 bayan at isang lungsod, habang 4,052 pamilya ang nananatili sa evacuation centers.

Sa kabila nito, nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief assistance sa mga residente mula sa lokal at pambansang pamahalaan.

Bagaman nagdulot ng storm surge sa ilang baybayin, walang naiulat na nasawi sa lalawigan. Ayon sa PDRRMO, malaking tulong ang maagang paglikas at paghahanda sa pagligtas ng buhay.

Agad din nagdeklara State of Calamity ang pamahalaang panlalawigan kasunod ng proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod sa pinsalang dulot ng super typhoon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments