Naghain na ng courtesy resignation ang halos lahat ng mga board member ng PhilHealth.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kina PhilHealth President Roy Ferrer at pitong Presidential appointees ng PhilHealth Board na magbitiw dahil sa kontrobersyal na ‘ghost dialysis claims’.
Bukod sa kanila, 34 na opisyal pa ng PhilHealth ang hihingan ng courtesy resignation kabilang ang vice president, area at regional vice presidents.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, “clean slate” ang gusto ng pangulo.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi makakaapekto sa operasyon ng PhilHealth ang pagbibitiw ng matataas na opisyal nito gayundin ang planong balasahan sa health institution.
Inialok na ni Pangulong Duterte kay Dr. Jaime Cruz ang posisyon bilang Presidente ng PhilHealth.
Si Cruz ay presidente at Chief Executive Office ng JTC Corporation na nagmamay-ari ng iba’t ibang food chain stores sa Metro Manila at Davao City.
Sa ngayon, hindi pa tinatanggap ng doktor ang alok na posisyon ng pangulo.