Halos lahat ng rehiyon sa bansa, nasa low to moderate risk na sa COVID-19

Inihayag ng Department of Health (DOH) na lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nasa low hanggang moderate risk sa COVID-19 maliban sa Soccsksargen.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Soccsksargen ay mayroong 28% positive two week growth rate na nangangahulugang mas marami ang kaso sa kanilang lugar kumpara sa huling tatlo o apat na linggo.

Sa kabila nito, ang total bed utilization at intensive care unit utilization rates sa lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa low hanggang moderate risk din.


Nasa low risk na rin aniya ang national health system capacity sa buong bansa.

Batay sa DOH, nagiging low risk ang isang rehiyon kung ang average daily attack rate (ADAR) nito ay mababa na sa isa sa kada 100,000 indibidwal.

Habang ang moderate risk areas ay mayroong ADAR na nasa pagitan ng isa hanggang pito.

Facebook Comments