Halos P1-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng sama ng panahon

Nakapagbigay na ang pamahalaan ng inisyal na tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng sama ng panahon sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos P1 milyong ayuda ay naibigay sa mga apektadong residente sa Regions 1, 3, 6, CALABARZON at MIMAROPA.

Binubuo ang mga ito ng family food packs, hygiene kits, sleeping kits at kitchen kits.


Samantala, namahagi rin ang gobyerno ng financial aid na umaabot sa P164,000.

Sa ngayon, nasa mahigit 47,000 indibidwal mula sa 135 na brgy. sa Regions 1, 3, 6, CALABARZON at MIMAROPA ang apektado kung saan nasa halos 2,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation center.

Isa ang patuloy na bineberipika ng NDRRMC kung nasawi dahil sa sama ng panahon habang walang naiulat na nasugatan at nasaktan.

Facebook Comments