HALOS P17-M, IPINAMAHAGI SA 2,824 TUPAD BENEFICIARIES SA BATANES

Tinatayang aabot sa 2,824 na Ivatan beneficiaries mula sa probinsya ng Batanes ang nakatanggap ng nasa P16.9 milyong halaga bilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, kamakailan lamang.

Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE)- Batanes Satellite Office ang nasabing pamamahagi.

131 sa mga benepisyaryo ay nagmula sa bayan ng Basco, 1,112 na benepisyaryo mula sa mga bayan ng Basco at Mahatao at 432 na benepisyaryo mula sa Uyugan at Ivana.

Samantala ang natitirang 1,149 na benepisyaryo ay makakatanggap ng nasabing programa sa mga susunod na araw.

Ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay nagsasagawa ng gawaing pangkomunidad sa pamamagitan ng paglilinis ng mga pampublikong lugar tulad ng mga sapa, dalampasigan, parke, at mga pampublikong pasilidad.

Kaugnay nito, sinabi ni DOLE-BSO OIC-Head Jonnel V. Domingo sa isang pahayag na ang TUPAD program ay nakakatulong sa recovery plans ng probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng emergency employment assistance sa mga displaced workers na nawalan ng trabaho o kabuhayan dahil sa COVID-19 health crisis.

Maliban dito, bilang bahagi ng health and safety advocacy ng DOLE, ang mga benepisyaryo ay binigyan ng briefing tungkol sa Safety and Health bago ang kanilang deployment gayundin ang impormasyon sa kanilang sahod sa ilalim ng programa.

Facebook Comments