ISA SA APAT NA NAG TOP 1 NA MGA BAGONG SUNDALO, TUBONG KALINGA

Nasungkit ng isang tubong Kalinga ang Top 1 sa “MASID-LAB” class 731 sa katatapos lamang na Graduation Ceremony na ginanap sa loob ng Camp Melchor F. Dela Cruz na sakop ng bayan ng Upi, Gamu, Isabela, nitong ika-19 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.\

Isa si Private. Liezel Ansang na mula pa sa Mabacca, Tanudan, Kalinga sa nasa 562 na mga bago at ganap na sundalo ang nagtapos nitong araw ng Sabado.

Nakuha ni Pvt. Ansang ang pagiging Top 1 matapos itong makakuha ng markang 94%.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kaya Pvt. Ansang, hindi aniya hadlang ang pagka-babae upang manguna sa anumang larangan.

Kinakailangan lamang umanong magpursigi, gawin ang lahat ng makakaya, at magpatuloy.

Isa rin sa naging inspirasyon ni Pvt. Ansang sa kaniyang pagpasok sa militar ay ang kaniyang pamilya, lalung-lalo na ang kaniyang magulang.



Samantala, hindi rin umano inaasahan ng mga magulang ni Pvt. Ansang na magiging Top 1 ang kanilang anak kung kaya’y labis na kagalakan ang kanilang naramdaman ng maparangalan na ang kanilang anak.

Facebook Comments