Cauayan City, Isabela- Umaabot sa halagang P3.7 milyong halaga ng ayuda ang ipinasakamay sa LGU Alicia para sa mga benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Personal na iniabot ni Isabela DOLE Provincial Director Evelyn Yango kay Alicia Mayor Atty. Joel Amos Alejandro ang tinatayang P3.7 milyong halaga para sa mga TUPAD beneficiaries.
Inihayag ng alkalde na makikipag-ugnayan ito sa ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE), PESO, at sa Committee on Livelihood & Job Employment sa mga barangay para maging katuwang sa pagtukoy sa mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng TUPAD Program.
Nagpapasalamat naman ang alkalde sa naturang programa dahil malaking tulong aniya ito sa kanyang mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.
Facebook Comments