Halos P500,000 halaga ng pekeng pera, nakumpiska ng BSP ngayong taon

Aabot sa higit P480,000 halaga ang pekeng pera ang nakumpiska ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang isinagawang operasyon ngayong taon.

Ayon sa Payments and Currency Investigation Group ng BSP, sa 7 operasyon, 16 na suspek ang naaresto at 14 sa mga ito ang miyembro ng sindikato.

Anila, maliban sa Philippine currency, higit 200 piraso ng foreign banknotes din ang kanilang nasabat.


Sa ngayon, pumalo na sa higit P7.69 milyon ang halaga ng 12,000 piraso ng pekeng pera ang nakumpiska sa nakalipas na higit 10 taong operasyon kung saan 176 na indibidwal na rin ang naaresto.

Kaugnay nito, nagpaalala ang BSP na maaaring magresulta sa 12 taon at isang araw na pagkakakulong ang pamemeke ng pera na may multang hindi lalampas sa P2 milyon.

Facebook Comments