
Mariing kinokondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maitituring na last-minute campaign para siraan si Cardinal Luis Antonio Tagle.
Sa isang panayam kay Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, sinabi nito na bahala na ang Diyos sa mga nasa likod ng paninira kay Cardinal Tagle.
Ang pahayag ni Cardinal David ay kasunod ng lumabas na paninira ng isang Italian newspaper kung saan nakalathala rito na iniuugnay si Cardinal Tagle sa network ng casino operations at inakusahan pa na naadik sa pagsusugal.
Hindi naman pinangalanan ng nasabing dyaryo mula sa Italy kung sino ang source ng balita.
Matatandaan na una na ring inakusahan ng isang US base group na nananahimik umano sa isyu ng sexual abuse sa simbahan kung kaya’t umalma rin dito ang CBCP.
Sa kasalukuyan, kasama si Cardinal Tagle sa 133 cardinal-electors na bumuboto para sa susunod na Santo Papa kasama si Cardinal David at Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.