HALOS P5M, INILAAN SA KONSTRUKSYON NG COMMUNITY CENTER

CAUAYAN CITY- Puspusan ang konstruksyon ng bagong community center sa Brgy. Andarayan, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Marvin Andres, nagsimula ang konstruksyon noong buwan ng Hulyo at aasahang matatapos ito sa buwan ng Nobyembre.

Aniya, ang proyekto ay kanilang hiniling kay Congressman Faustino “Inno” Dy V kung saan naglaan ng Php4,875,728.02 para sa proyekto.


Dagdag pa niya, mayroon silang dating community center ngunit maliit ito at walang palaruan katulad ng basketball ring.

Sa pamamagitan ng bagong community center ay magiging aktibo ang mga kabataan sa sports at hindi na magsisiksikan pa sa maliit na community center tuwing pista.

Facebook Comments