HALOS PITONG LIBONG CHILD LABORERS SA REHIYON UNO, NAITALA NG DOLE R1

Pumalo na sa halos pitong libong Child Laborers sa buong Rehiyon Uno ang naitala ng Department of Labor and Employment o DOLE R1 ngayong taon.
Kaisa ang Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) sa pagtugon sa pagpigil at pag-alis ng Child Labor sa bansa.
Kasama rin ang DOLE RO1 na siyang nakatutok sa pagtukoy sa kinaroroonan at kalagayan ng mga Child Laborers sa buong Rehiyon at naglalayong magkaloob ng angkop na tulong na nakalaan para sa kanila.

Samantala, nasa limang libo’t siyam na raan at apatnapung walong child laborers naman ang kabuuan ng isinangguni na ng DOLE RO1 sa iba’t-ibang ahensya na maaaring makapagbigay tulong para sa pagtataguyod ng mga aksyong nakatuon para sa kapakanan ng mga batang ito. |ifmnews
Facebook Comments