PAGKABIT NG SOLAR LED STREET LIGHTS AT ILANG KONSTRUKSYON SA BASISTA, PATULOY NA ISINASAGAWA

Patuloy na isinasagawa ang pagkakabit ng solar led street lights at konstruksyon ng multi-purpose building pati mga kanal sa mga bara-barangay sa Bayan ng Basista.
Apatnapu’t-dalawang solar led street lights ang nakakabit na sa Brgy. Palma at tatlumpo naman sa Brgy. Nalneran. Samantala, isinagasagawa na rin ang isang multi-purpose building sa may farmers St. Dumpay at pati na rin ang pagsasaayos ng mga kanal sa nasabi ring lugar.
Ang pagkakabit ng mga solar led street lights at mga construction projects ay isa lamang sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan ng Basista sa pangunguna ni Mayor Jolly Resuello, Vice-Mayor Dante Bustarde, Sangguniang Bayan at ng Engineering Office. |ifmnews

Facebook Comments