Kasama rin sa mga nanumpa si re-elected Vice Mayor- Leoncio “Bong” Dalin at ng sampung nanalong konsehal na muling magbabalik sa pwesto na sina SP Egay Atienza, Balong Asirit, Edgar De Luna, Gary Galutera, Porong Mallillin, Atty. Paul Mauricio, Bagnos Maximo Jr., Balong Uy, Cynthia Uy at ang bagong halal na si Miko Delmendo.
Pinangasiwaan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang panunumpa ng mga newly elected officials ng Syudad ng Cauayan at nagbigay naman ng inspirational message si Isabela Vice Governor Bojie Dy III kung saan kanyang sinabi na mahalaga aniya sa pagkamit ng mga gustong isakatuparan ang suporta at pagkakaisa ng taong bayan.
Nakahanda rin aniya ang pamahalaang panlalawigan para magbigay ng suporta sa mga ikakasang programa dito sa Lungsod para lalong mapaganda at maging progresobo ang Syudad ng Cauayan.
Bukod sa Bise Gobernador, nagbigay din ng mensahe ang nagsilbing guest of honor na si Senator elect Raffy Tulfo kung saan nangako ito na ibubuhos nito ang kanyang suporta para sa mga proyekto bilang pagsubalit sa pagboto sa kanya sa senado.
Sa mensahe naman ni incoming Mayor Jaycee Dy Jr., pinasalamatan nito ang pamilya Dy dahil binigyan siya ng tiwala at suporta sa pagtakbo sa pulitika at pagsilbihan ang mga Cauayeño.
Kanyang sinabi na malaking sapatos ang kanyang gagampanan para ipagpatuloy ang mga magagandang proyekto ni Barnard Dy at mapanatili ang progreso sa Lungsod.
Gayunman ay hindi na raw nito iniisip na mahirap itong gawin dahil nandiyan naman aniya ang suporta ng taong bayan at ng mga nakatataas na opisyal ng Isabela.
Ibibigay aniya nito ang kanyang 110 porsyentong oras at dedikasyon para maitaguyod at maituloy ang mga naumpisahang proyekto ng mga nagdaang alkalde.
Bukod dito, iginiit ni Jaycee Dy na sa kabila ng pag iintriga sa kanya kung kailan ito maghahanap ng makakatuwang sa buhay o magiging first lady ay sinabi nito na hindi pa niya prayoridad ang paghahanap ng kanyang ‘Better Half’ dahil uunahin at magpopokus muna siya sa pagsisilbi sa Cauayan.
Sa pananalita naman ni outgoing City Mayor Bernard Dy, siya na aniya ang pinakamasaya kahapon dahil ilang araw na lang ay makakasama na niya ang kanyang pamilya at proud din siyang iiwan ang Lungsod ng Cauayan dahil sa mga pagbabago at inobasyon na narating nito ngayon na ipagpapatuloy pa ng mga susunod na bagong opisyal ng Lungsod ng Cauayan.
Naniniwala siya sa kakayahan ng mga susunod na mamumuno sa Lungsod na lalo pang pagagandahin at pauunlarin ang Syudad ng Cauayan.
Samantala, isasagawa rin mamayang alas 8:00 ngayong umaga ang Oath taking ceremony ng mga nahalal na opisyal ng Probinsya ng Isabela na gaganapin din sa ICON kung saan magsisilbi ring guest of honor at pangangasiwaan nina Sen Raffy Tulfo at re-elected Senator JV Ejercito ang panunumpa ng mga opisyal sa Isabela.