Hamon ng Otso Diretso para sa debate sa ibang kandidato, tinanggap ni Larry Gadon

3183

Manila, Philippines – Welcome para kay Atty. Larry Gadon ang hamon ng Otso Diretso na makipag-debate sa kanilang mga senatorial candidates.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Gadon na bukas siya sa four against one na debate.

Gusto niya na sina Bam Aquino, Chel Diokno at Florin Hilbay mismo niyang makadebate.

Masyado aniyang aksaya sa oras kung dedebatehin niya ang lahat ng kandidato ng oposisyon.

Pero, may mga kondisyon si Gadon bago magdebate.

Una, hindi dapat ito gawin sa mga venue na hindi maraming makakaliwang estudyante.

Pangalawa, dapat aniya ay gawin ito sa isang live TV na walang audience.

Facebook Comments